Sunday, March 2, 2008

ang Downelink




sa totoo lang, nakakamiss na ang magkaroon ng Downelink account. Halos naging buhay ko to e, mapa-opisina,galaan or bahay ako, ang pagdidisenyo at pakikihalubilo, kauri ko man o hindi, ang pakikipagtalastasan sa chatbox at blogs isama mo na ang photo at blog comments ikakukumpleto na ng araw ko Iba't ibang posing shots, me kwenta man o wala ang Who I'd like to meet content mo basta huwag mong kakalimutang punan ang About Me mo kesehodang simpleng description yan ng sarili, adobe photoshop file,image or double division ng page yan pagandahin mo lang, lagyan mo ng me gumagalaw,labanan mo ang background ng mas fully-equipped na scripts at music list .................pasok ka na! syempre kung masipag kang magonline, lagyan mo ng chatbox, ilagay mo sa kaliwa ang buong page punuan mo ng links, baligtarin mo ang page mo,ultimo scrollbar makulay, i-dagdag at invite mo lahat ng guwapo at kung sino pang makursunadahan mo, mas popular mas okay, ................bahala ka! Ganun ako, sa mga dati kong accounts..magdedelete, magrere-add up Halos bilang ko rin ang ningas-kugon dun e, meron namang iba,malapit ng mag-isang Dekada. :D ...........................kaya lang, minsan, ay ewan sa akin kasi madalas e, naapektuhan nito ang real world mo, andyan ung makakadalo ka na sa exclusive parties,meet-ups or eyeball, ay mas may better term ngayon jan, "Coffee tayo?"hehehehe. nadadagdagan ang kainuman, kagimikan at katabi sa sinehan hanggang sa... mafo-fall ka,madedevelop,magkaka-crush suwerte mo kong taga-Pinas,mahirap kung ka-LDR pero mageeffort,magiging kayo pa rin sa kaso ko, hehehe, wag nang alamin, at parehong malas... kasabay ng pagkawala ng mga tinuturing mo na ring..kaibigan. at mahirap mang gawin, oo, tama ang nabasa mo, mahirap mag-move on at i-give up ang Downelink. subukan ko mang gumawa ng account at bumalik, sumilip silip, magsimula.. ayoko na rin...tama na... kahit Age doesn't matter dito, isa itong Temptation na magpasahanggang ngayon ay pinagdadasal kong mabalewala ko sa araw-araw. Less Exposure, less limelight, less spotlight, less Intrigues. parang less talk, less mistakes lang yan.

No comments: