Naranasan nyo na bang um-attend ng mass na hindi naintindihan ang homily?
Sana naman marami na sa inyo ang ganito..at sana kumonti na ang mga pangyayaring ganito.
Kasi naman, ang hilig kong ituloy ang pagddaydream ko sa simbahan.
Gusto ko sanang sisihin ang ingay sa labas ng Aurora Blvd.,pero hindi e. Focus lang ang katapat kung gugustuhin mo.
Bale ba, hihiling pako ke Lord ng tulong. Sa pagddaydream ko ng perfect companion ko, nalilito ako sa gender ng gusto kong makasama.
Oo! Lalaki po ung gusto kong buuin sa dilat kong panaginip. Gusto ko yung eksenang susunduin,hahatid at tatambay sya sa bahay. Yung tipong busog sa happiness ang buong angkan ko kasi finally...yes! may pag-asa pa pala akong bumuo ng Ideal home!
At sa ewan ba at ok na sana ang mga eksenang tweetums at padate-date, biglang naiiba yung tono ng boses ng kasama ko. pati dibdib nagkalaman. lumambot ng onti ang mga braso-braso.
Yun na! Naiba na ang eksena. ang set-up, in-introduce ko siya sa mga kaibigan ko. Later on sa family, syempre indirect ang introduction sa ina't ama, ...." Ma, si ...." Sabay talikod yaya ng pagkain at maglaho sa paningin nila.
Ang weird dun, mas masaya ako sa huling eksena... Maya-maya'y, bigla kong naririnig na si Father...nagsesermon about the power of Holy Spirit, and 7 Sacraments, greeting the mothers....
Hay, isa na namang Mother's day ang nagdaan.
Ma-experience ko kayang maappreciate ang pagbati ng iba sa ken nun nang hindi nagbibiro.
Ewan ko. Pero parang hindi ako ganun kasaya kung magkatotoo yun.
No comments:
Post a Comment