Yup, nakuha ko ang text mo last Friday, boarding ka na pabalik ng Pinas...nagtaka ka kaya kung bakit I wasnt moved at all. Dahil sanay nako. Sa maraming beses na halos ganun lang ang communication natin. Text lang ang katapat ko. pasalamat pa nga at nauso iyon.
At ang weekend ko na sana ay iisang event lang ang inaasahan kong dadaluhan, naging Anim ng dahil sayo.
Dapat lunchtime ako gigising ng Sabado. Ngunit hindi, pinilit mo kong magbyahe from my place to yours ng 4am ng umaga. (buti nalng isang boteng beer lang nainom ko sa Pepeton's).At pagkatapos ano, para sabihing buti naman nakarating ka, mamaya ka na matulog at kelangan tayo sa kasal ng 7am..upang ano, pakantahin ako sa liblib na Chapel sa laguna?at maging host sa reception pagkatapos.
Cge, para sayo, ok lng saken yun.So salamat sa damit at sapatos, at konting idlip sa van mong malamig. Hindi pa pala natatapos ang bonding natin. Sinamahan pa kita sa amiga mo para magconcert na naman ako kasama ng quartet sa Ascott. buti nalng at nakaligo't toothbrush at make-up ako sa bahay mo,at ang sapatos ay slip-on, naitago ko ang toenails kong 1week ng walang proper pedicure.
So finally, we're back at the Fort, at pinasalamatan mo ako uli. "Nak, thank you lagi kang anjan pag kelangan ko ng singer!" Bukas uli sa Tagaytay Highlands, 1 kasal 1 club party at Singaporean party ang dadaluhan natin.
Daig ko pang nakidnap - dahil ang isang kidnapped, nagagawa pang tumawag sa bahay. Samantalang ako text lang ang katapat.
Alam mo kung ano laman?
"Pa, andito ako sa Essensa, alam mo na kung bakit. pag nagtanong c Ma, pakisabi, next week nako uuwi at andto ako kay...
Ninang."
Sunday, August 3, 2008
Dear Ina
Posted by
snirckel
at
5:51 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment