Basta't lagi ko kayong kasama,
kampante ako na ako'y laging kumpleto
Hindi ko kayang mawala ang isa man sa inyo ni mabawasan ang kabuuan ninyo
Sabihin na ng iba, na ginagamit ko lang kayo
Alam nio sa mga sarili ninyong hindi iyon totoo
Sapagkat tuwing nakikita ko ang pagod nio sinusuklian ko agad iyon ng pag-aalala at hagod sa pag-aalaga
Minsan nga lang sa pg sumusobra, muntik ng bumigay ang isa sa inyo
Ngunit kaagad kong inagapan naman upang ang lahat ay bumalik sa normal.
Hindi ko kayo ipagpapalit kahit kanino, ang mga nagagawa nio ay pawang gawang-henyo ngunit pang-tao
Ang hirap at tulong nio...
sa pagdasal sa mga panalangin ko
sa pagsasagawa ng mga gusto ko
sa pagkupkop sa mga layunin ko
Ang lahat ng ito (iilan lang sa hindi matatapos na naisasabuhay nio),
Ay walang katumbas, sapagkat iilan lang kayong sinangkap ng Diyos upang ako (at ang iba pa) ay mabuo.
Kaya't, alam nio, alam ko, at ng lahat, hindi matatapos ang pasasalamat ko sa inyo.
Mahal ko kayo.
No comments:
Post a Comment