Ang kaarawan ko ay nalalapit na, ito kaya ay iyo pang maalala?
Maaaring hindi na,
pagka't andyan na si Feb.
Kapag ako kaya ay nawalan ng malay at nalaman mo, kakabahan ka pa kaya?
Maaaring hindi na,
pagka't andyan na si Feb.
Sa gimikan ang alak at sigarilyo ay nagbabadyang maging bisyo ko, paaalalahanan mo pa kaya ako?
Maaaring hindi na,
pagka't andyan na si Feb.
Sa umaga at gabing pagtatapos ng trabaho, itatanong mo pa ba kung ako ay nakarating na sa opisina o nakauwi na?
Maaaring hindi na,
pagka't andyan na si Feb.
Mahal pa kita, mahal na mahal mo ako...dati iyon, ngayon kaya?
Maaaring hindi na,
pagka't andyan na si Feb.
Si Feb si Feb si Feb si Feb.
dati ako ang ka-anibersaryo mo pag Feb, ngayo'y hindi na.
pagka't sinayang ko ang halaga nun,
ako ay napalitan ng panghabang buhay mo na atang ka-Feb.
Thursday, April 3, 2008
si Feb
Posted by
snirckel
at
4:57 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment