Thursday, December 6, 2007

magaan

blankong blanko ako. napulot ko na ang sarili ko.bitbit ko na lahat, buo nako, halos.
ang problema ko na lang kung ihahakbang ko ang paa ko paatras o pasulong
gusto ko lang makasiguro.
at ayoko ng balikan ang kahit na anong mahahapding napagdaanan ko.
kasi naman no, mahirap manumbalik sa sarili na buo, at kayang ihayag sa mundo na,
weh no kung nagiisa ako sa mundo.
weh no kung wala akong lablayp.
weh no kung wala akong kaakap sa Pasko.
ang importante ay kaya kong mag-isa,kaya kong itaguyod ang sarili ko.
kaya nga kailangang maipirmi ko na ang mga paa ko. na isang pares lang sa litrato.
naka-tsinelas, walang katuwang, ngunit kumpleto at hindi baliko.

No comments: